Tuesday, 7 August 2018

Can I Be - Chapter 3

—Friday
Habang nag lalakad papunta ng cafeteria rinig na rinig ni Allie ang bulungan ng bawat madadaanan nilang studyante. Napabuntong hininga nalang siya habang pinapakinggan ang false rumors na kumakalat parin.
"Bagay talaga sila noh?"

"Sinabi mo pa, their just perfect for each other. Ang swerte nila sa isa't isa!"
"Pero diba senior na iyong babae? Mas matanda siya kay Simon, nakakainggit siya grabe."
And so on...
Pinili niyang wag nalang makinig sa iba pa nitong sinasabi. For her, its nonsense and stupid. Kapatid niya lang si Simon period.
"Simon!" Sabay silang lumingon ni Simon dahil sa pagtawag na yun. And right before she panic nasa harapan na nila ang captain nang soccer team, ang taong dahilan kung bakit laging mahaba ang leeg niya pag kasama ang team mates ni Simon.
Bigla nalang siyang naconscious sa sarili dahil sa lalaking nasa harapan nila ngayon. Gio Fuentes 
Gio was his ultimate crush, hindi iyon alam ni Simon kaya kumunot ang noo ng kapatid nang makita ang itsura niya.
"Are you okay? May sakit kaba? Bakit ka namumula? Gusto mo dalhin kita sa clinic?" Nag aalalang tanong ni Simon sa gitna ng pag uusap nila ni Gio.
Lalo niya naman naramdaman ang pang iinit ng muka dahil nasa kanya narin ang atensyon ni Gio habang nakakunot ang noo nito.
"I-Im fine." Umiwas siya ng tingin dahil sa hiya. Hindi siya makapaniwalang nautal siya sa pagsasalita.
"Baka gutom na siya Simon. C'mon let's eat. Papunta rin naman ako ng cafeteria." Hindi naman mapakali si Allie dahil sa pagyaya ng binata. Sasabay ito sa pagkain sakanila. Baka hindi siya makakain ng maayos lalo na't kaharap niya ito.
"Siguradong okay ka lang?" Tanong ulit ni Simon. Ayaw niya naman mag inarte sa harapan ni Gio kaya tumango nalang siya at tipid na ngumiti.
Pagdating sa cafeteria, mabilis silang nakahanap ng pwesto. All eyes focus on them. Paano ba naman, kasama niya pareho ang dalawang sikat na player ng soccer team. Kaya lahat ng fans nila ay masasamang tingin ang binabato sakanya.
"Anong gusto mo? Ioorder nalang kita." Offer ng kapatid.
Tumango naman siya at sinabi ang gusto niyang kainin. Clamp pasta and orange juice will do for now. Sayang lang at hindi niya maoorder ang paborito niyang sweet beef steak na may kasama pang chocolate cake dessert at double choco shake. Nakaramdam siya ng pag kagutom dahil sa mga pagkain na nasa isip niya.
"Yun lang? Mag papagutom ka ba?" Tanong nito matapos niyang sabihin ang gusto niyang kainin.
Alam kasi ni Simon ang pagkain niya. Alam nitong hindi siya nabubusog ng light meal lang. Alam din ng kapatid kung gaano siya kalakas kumain. Mabuti na nga lang at hindi siya tabain. Gift pa naman sa babae pag ganoon.
Tyaka wala naman kasi siyang choice. Ayaw niya naman mag mukang matakaw sa harapan ng crush niya kaya kahit magutom siya mamaya ay titiisin niya nalang.
"Hindi naman ako gutom. Sige na." Sabi niya.
Napabuntong hininga si Simon bago umalis para umorder ng pagkain. Kasama nito si Gio na pumila para umorder.
Nakahinga siya ng maayos nang makalayo ang dalawa. Buong akala niya ay malalagutan na siya ng hininga dahil sa sobrang kaba.
Matapos ang ilang minuto..
Napanganga si Allie sa pagkain na inorder sakanya ng kapatid. It's her normal meal which means with sweet beef steak with chocolate cake and double choco shake. May bunos pa na isang bowl ng chocolate ice cream. Umiwas siya ng tingin dahil feeling niya ay hindi niya kayang pigilan ang sarili. Hindi ito ang inorder niya.
Tiningnan niya ng masama si Simon But he just smirked. Gusto niya talaga itong batukan imbes na mag pasalamat. Kung wala sana dito si Gio ay baka mayakap niya pa ito dahil sa sobrang tuwa. But now? Kailangan niya munang mag pigil na batukan ang kapatid. Nag lalaway na talaga siya but hell she can't eat the food.
Pasimple niyang sinilip ang inorder ni Gio. Its like a garden. Kahit ang sandwich nito ay puro dahon, god how can he eat that? Napangiwi siya dahil naalala niyang hindi siya fan ng gulay.
Nahalata ata ni Gio na nakatingin siya sa sandwich. Kaya ngumiti ito na kinapula niya naman. Kinuha nito ang sandwich at inabot sakanya.
"You can have it," sabi nito. Napakurap pa siya at natameme. Kukunin niya ba? Pero hindi naman siya kumakain ng gulay baka hindi niya nga magawang kumagat kahit isa lang eh. Pero sayang naman kasi ibinibigay ito sakanya ng crush niya she can't say no.
"Uh s-sure. Thanks!" Sa huli ay kinuha niya rin ito. Sa gilid niya ay ramdam nya ang masamang tingin ng kapatid.
"Hahaha no problem. Bakit naman kasi puro sweets and meat ang inorder mo sakanya Simon. Girls like vegetable for their healthy diet.." Tipid namang ngumiti si Allie habang pilit na kinakain ang gulay. Sa totoo lang ay gusto niya ng masuka. Hindi siya maarte sa pagkain sadyang ayaw niya lang talaga sa gulay.
"Hindi siya kumakain ng gulay." Ani Simon.
Napaubo si Allie dahil sa sinabi ng kapatid. Mabilis naman siyang inabutan ng inumin ni Gio.
"Don't force yourself," sabi nito.
"No!..I mean I d-don't—T-thank you." Akward siyang ngumiti bago bumaling sa kapatid. Na nakakunot lang ang noo habang nakafocus ang atensyon sa pagkain. Hindi siya makapaniwalang tinrydor siya ng kapatid. Napatingin ulit siya kay Gio na tipid na ngumiti bago umiwas ng tingin.
Hiyang-hiya siya dahil sa nangyari. Gusto niya nalang maglaho ng parang bula sa upuan. Lagot talaga sakanya ang kapatid mamaya. Binalingan niya nalang ang sandwich na binigay ni Gio at dahil sa inis ay nagawa niya itong ubusin.
---
Habang nasa gitna ng klase ay hindi mapakali si Allie. Parang pinipilipit ang tiyan niya dahil sa sakit. Hindi niya na magawang mag focus sa tinuturo ng teacher sa unahan.
"Can anybody explain to me what is written on the board—"
"E-excuse me," tumaas siya ng kamay para mag paalam sana papunta ng clinic dahil hindi n talaga maganda ang pakiramdam niya.
"Yes Ms. Alonzo—are you okay?" Tanong nito nang mapansin ang itsura niya.
"N-no Miss, please can I go to the clinic?" Pakiusap niya.
"Sure, please Ms. Mendoza can you accompany Ms. Alonzo to the clinic.." Sabi ng teacher niya sa class president nila. Tumango naman ito bago lumapit at alalayan siya.
Nakaalalay sakanya ang dalaga habang papunta sila sa Clinic. Nasa tapat sila ng Cr nang maramdaman niyang parang hinahalo ang tiyan niya at parang nasusuka siya. Mabilis siyang bumitaw sa dalaga at tumakbo papasok ng cr. Narinig niya pa ang pag tawag ng kaklase bago siya pumasok ng cubicle.
Napaupo siya at saka halos maiyak dahil parang gusto nang lumabas ng bituka niya sa bibig.
Mga segundo din bago siya nakaramdam ng ginhawa. Medyo masama parin ang pakiramdam niya pero hindi na ito katulad ng kanina. Napapikit siya bago nanghihinang tumayo.
"Allie?" Nanlaki ang mata niya ng makita si Gio. Nakakunot ang noo nito at medyo bakas ang gulat sa muka. Nagtaka naman siya kung bakit nandito sa cr ng babae si Gio.
"Okay ka lang ba? You look sick. Bakit pumasok ka dito sa cr ng lalaki?" Naguluhan siya sa sinabi nito. Anong cr ng lalaki? Bakit naman siya papasok sa cr ng lalaki—Natameme si Allie ng mapansin ang disenyo ng cr, panlalaki nga ito.
Bumuka ang bibig niya ng may biglang pumasok na lalaki. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sakanya. Parang sinilyaban ang muka niya dahil sa naramdaman na kahihiyan. What the hell! Sa sobrang sama ng pakiramdam niya hindi niya namalayang maling cr pala ang napasukan niya. And the worst part bakit kailan si Gio pa ang makakita sakanya. Gusto niya mag wala dahil sa sobrang kahihiyan.
Bumalik siya sa sarili ng hawakan ni Gio ang kamay niya at hilahin siya palabas ng cr.

No comments:

Post a Comment