Tuesday, 7 August 2018

Can I Be - Chapter 2

—at soccer field
"Go Achilles! Wooooo! Baby Simon I love you!"
Halos gusto ng takpan ni Allie ang tainga niya dahil sa lakas ng sigawan ng katabi niyang nakaupo sa bleachers. Hindi ba namamaos ang mga ito? Kanina pa sila sigaw ng sigaw.

Binalik niya ang atensyon sa panonood kay Simon na naagaw ang bola bago sinisipa sipa. Nang medyo makakuha ito ng magandang pagkakataon ay malakas niya itong sinipa papunta sa goal.
"Wahhhhhh Baby ang galing galing mo! Simon! Simon baby!"
Napangiwi ulit siya dahil sa sigaw na iyon. Hindi ba siya nahihiya? Nag mumuka siyang tanga kakasigaw. Ou fan siya ni Simon at alam niyang sinusuportahan nito  ang kapatid, but heck nakakahiya talaga ang ginagawa niya.
Nang makita niyang patakbo sa pwesto niya ang kapatid. Mabilis niyang dinampot  ang tumblr at puting towel. Ngumiti siya at sinalubong ito.
"Here.." Inabot niya ang tumblr na kinuha naman ni Simon at ininom. Lumapit naman siya para punasan ang pawis nito sa muka at leeg. She smirked nang marinig ang pag singhap ng mga fans nito.
"Andyan pala yung girlfriend niya, sigaw ka ng sigaw Mica.."
"Who cares? Mag b-break din yan."
Rinig niyang sabi ng mga ito. Natatawa talaga siya sa mga fans ng kapatid niya. They have no idea, its so stupid.
"Bakit ka tumatawa?" Nakangiting tanong ni Simon. Sinuklay ng kamay nito ang basang buhok dahil sa pawis.
Umiling siya, "wala lang."
"Sabay na tayong umuwi, mag s-shower lang ako." Tumango siya at saka ngumiti.
"Okay, after that...daan muna tayo sa ice cream parlor ha? Gusto kung kumain ng ice cream!" Mahina naman tumawa si Simon.
"Fine princess.."
Matapos mag shower ng kapatid lumabas ito kasama ang mga kateam mates. Humaba agad ang leeg niya para hanapin ang isang tao. But her hope down nang makitang wala ito. Napabuntong hininga nalang siya, mukang hindi siya swerte ngayong araw.
"Hi Allie!" Bati ng mga kateam-mates ni Simon.
Ngumiti naman siya at bumati rin pabalik. "Hello guys!"
Sa buong school ay ang kateam-mates lang ni Simon ang nakakaalam na magkapatid silang dalawa. Pero kahit ganoon ay hindi parin mawala wala ang rumors na in relationship sila ng kapatid.
"Wag mo nga silang ngitian." Nakapout na sabi ng kapatid.
"Ang possesive mo naman kay Allie Simon. Muka kang gago!" Sabi ni Trevor habang tumatawa.
"Shut up, bastard!"
Pinalo niya sa braso si Simon, sa pagkakaalam niya kasi ay mas matanda itong si Trevor sa kapatid.
Lumingon sakanya si Simon kaya sinamaan niya ito ng tingin.
"Sorry." He apologized.
Narinig niya naman humagalpak ang mga ka team mates nito. "Kung girlfriend mo lang iyang si Allie, under na under ka siguro bro!" Pang-asar ulit ni Trevor.
Sinamaan siya ng tingin ni Simon kaya tumigil at nanahimik na siya. Ganoon din ang iba. Natawa nalang si Allie bago mag paalam na mauna na silang umalis ni Simon.
"Kuya Fred sa ice cream parlor muna po tayo ha." Sabi ng kapatid sa driver nila. Marunong mag drive si Simon pero wala pa itong licence kaya hindi pinapayagan na mag-drive.
"Yes sir."
Mag katabi sila sa backseat ng kapatid. Umusod ito at sumiksik sakanya. Pinatong rin nito ang ulo sa balikat niya.
"Matutulog ka? Malapit lang yun." Sabi ni Allie sa kapatid.
Pero dinedma lang ni Simon ang tanong niya dahil busy itong sumisiksik sa leeg niya. Napabuntong hininga nalang si Allie.
"Hm ang bango ng buhok mo, lavander shampoo parin ba ang gamit mo?" Tanong nito bago inamoy ulit ang leeg niya. Napairap nalang siya dahil hinaharass na naman siya nito. Wala naman kasing shampoo ang leeg niya.
"Stop it Sy! Nakikiliti ako eh!" Inis na sabi ni Allie.
Simon just chuckled. Mas lalo siyang nakiliti dahil sa hininga nitong humaplos sa bandang tainga niya.
"Isa," pagbanta ni Allie.
Lalo itong tumawa. "Dalawa? Tatlo?" Nanlaki ang mata niya ng maramdaman ang pagdila nito sa leeg niya.
"D-did you just lick my neck? Yuck! Simon! Dugyot ka talaga! Agh Kuya Fred deretso na po tayo sa bahay."
Dinuro niya ang kapatid na mabilis na umusog palayo at parang tutang nakatingin sakanya.
"Ikaw lumayo layo ka saken, sisikuhin talaga kita pag lumapit ka sakin!" Badtrip na sabi ni Allie.
"Ice cream parlor parin tayo Kuya Fred." Sabi ni Simon habang si Allie naman ay pinupunasan ang leeg niya. Masama niyang tiningnan ang kapatid dahil sa utos nito sa driver nila.
"Kuya Fred bahay nalang pala." Pag-bawi nito. Nakita niya naman lumingon sa salamin ang driver habang nakakunot ang noo.
"Ano po ba talaga sir?" Nalilitong tanong ng driver.
"Bahay po Kuya Fred, nagalit na eh."
Buong byahe ay tahimik lang sila. Nawala na siya sa mood dahil sa ginawa ni Simon. Pag karating ng mansion ay naunang bumaba si Allie, nakasunod naman si Simon sakanya.
"Sorry na! Hindi ko na uulitin! Promise!" Tumaas ang kilay niya nang lumuhod at humarang ito sa dadaanan niya.
"Alis." Pagtaboy niya habang pinipilit ang sarili na huwag mag padala dito.
"Ice cream? Chocolate? Chocolate Ice cream? Please sorry na.." He made puppy eyes at ngumuso.
Napabuntong hininga naman si Allie. "Fine! Ice cream chocolate. I want it now."
Ngumisi ito bago nag bow sakanya. "Yes my princess.." He said.
Nakangiti naman siyang umakyat sa kwarto at excited na nagbihis. Hindi niya talaga kayang magalit ng matagal sa kapatid niya. Palagi nalang siyang na uuto nito.
Mga ilang minuto ng bumaba siya para kumain ng ice cream. Pumunta siya ng kusina at nandoon na si Simon habang nag s-scoop ng ice cream. Excited siyang umupo sa katabing upuan nito.
Kumislap ang mata niya ng iabot nito sakanya ang isang bowl na ice cream. Hindi niya na hinayaang matunaw pa iyon. Kinutsara at sinubo niya ito.
"Dahan dahan naman." Sabi ng kapatid na hindi niya magawang bigyan pansin dahil sa sarap ng ice cream.
"Masarap ba?" Tanong nito.
Lumingon siya at tumango rito. "Saglit." Sabi ni Simon kaya lumingon ulit siya pero nanlaki ang mata niya ng punasan nito ang gilid ng labi niya gamit ang thumb finger nito bago dinilaan sa harapan niya.
"Ang sarap pala. Pahingi ako ah!" Kinuha nito ang kutsara niya at saka sumubo ng ice cream.
Kumunot ang noo ni Allie at saka niya narealize. "Aaaah!! Kutsara ko yan! Kabastusan mo talaga Sy! Manguha ka ng iyo!" Sinabunutan niya ang kulot na buhok nito bago inagaw ang kutsara.

No comments:

Post a Comment