Allie and Simon grow together, mas naging close sila sa isa't isa. Minsan nga ay napagkakamalan pa silang couple dahil sa sobrang malapit nila. Simula kasi ng dumating sakanila si Simon ay palagi na sila nitong magkasama.
Simon surname is Lameo at siya naman ay Alonzo, ang sabi ng kanyang daddy ay anak si Simon ng matalik nitong kaibigan. His parents died when he was four years old, kinuha ito ng daddy niya sa tito nito dahil hindi na nito kayang palakihin si Simon. But even their surname is different hindi iyon dahilan para ituring niyang iba si Simon. Simon is her brother.
Napangiti si Allie ng mag ring ang bell, na nangangahulugang lunch break na. Kaylangan niya pang puntahan si Simon para sabay silang kumain. Hindi sila nito magkaklase dahil lamang siya ng dalawang taon kay Simon. She was fourth year and Simon is second year. Kaya pag nag break time ay kailangan niya pa itong puntahan sa room nito para may kasabay siya sa cafeteria o minsan naman ay nauuna siyang puntahan ni Simon.
Pagkarating niya sa harap ng classroom nito. Pilit siyang sumilip sa loob. Maraming studyate ang nakaharang sa pintuan kaya hindi niya makita kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito. Pero narinig niyang may nag-aaway daw.
Allie sighed in defeat, hindi niya talaga makita. Napailing siya. Sigurado niya namang hindi si Simon yun. Hindi naman mahilig sa away ang kapatid niya.
"Hey did you know where Simon is?" tanong niya sa kaklase ng kapatid.
"Iyong boyfriend mo po? Siya po ata yung nakikipag away sa loob."
"What?!" Nanlaki ang mata niya at mabilis na nakipagsiksikan papasok sa loob ng classroom.
Pagpasok ay napatakip siya sa bibig ng makitang putok ang labi ng kapatid. Magulo ang kulot nitong buhok pati narin ang kwelyo. Pinahid nito ang sugat na labi at masamang tiningnan ang kaaway.
Susuntok na sana si Simon pero naunahan itong sipain ng kalaban. Doon nandilim ang paningin niya.
How dare he?! Walang pwedeng manakit sa baby brother ko.
Lumibot ang mata ni Allie. Nakita niya ang eraser sa board, galit niya itong pinulot at saka ibinato sa lalaking sumipa sa kapatid. She smiled when she hits the bull's eye, tinamaan ito sa ulo.
Napahawak ang lalaki sa parteng tinamaan ng eraser bago galit na lumingon.
"What the fuck!"
"A-lli-e?" nauutal na tawag ng lalaki ng makita siya.
"Allie!" ani Simon. Masama niyang tiningnan ang kapatid, she deal with him later.
Bumaling si Allie sa lalaking kaaway ni Simon. Napahiyaw ito pati narin ang mga nanonood ng tuhurin niya ang bagay na nasa gitnang bahagi ng hita nito. Napaupo at namilipit ang lalaki dahil sa sakit.
"That is for hurting Simon." Sabi niya sabay irap.
"You're a sadist." Sabi ni Simon na nasa tabi niya na pala.
"Let's go. Baka maabutan pa tayo ng principal dito."
Sinamaan niya ito ng tingin,"it's your fault."
"Kaya nga umalis na tayo. Ayokong madamay ka," humawak ito sa kamay niya at hinihila na siya paalis. Napahinto si Allie ng may humawak sa isa niya pang kamay.
"W-ait," pakiusap ng lalaki.
Akmang mag sasalita na sana si Allie ng maunahan siya ng kapatid.
"Bitawan mo siya kung ayaw mong basagin ko yang muka mo." he sounded dead serious. Hindi niya alam kung kaya ba itong gawin ng kapatid pero sa itsura niya ay mukang kaya nitong sirain ang muka ng kaaway.
Nagulat si Allie ng hilahin ni Simon ang kamay niya sa lalaki. Galit ang itsura nito at balak ulit manuntok. Pero dahil hawak niya ang kamay ni Simon hinigit niya na ito palayo bago pa sila talagang maabutan ng principal.
---
"Bakit ka nakipag away ha? Tingnan mo yang muka mo, puro pasa. Look at your lips! Ang lakas ng loob mong makipag-away, hindi ka naman marunong sumuntok. You just made me worried" Punong pag alala sabi ni Allie. Si Simon kasi ang tipo ng taong hindi nanakit ng kapwa, hindi brutal at lalong hindi nag mumura. She wonder kung anong nagawa ng kaaway nito at ganun kagalit ang kapatid niya. Naalala niya tuloy iyong kanina. He badly hurt himself, halata naman kasing hindi ito ganun kagaling makipagsuntukan.
Sa sobrang inis at pag aaalalang nararamdaman ni Allie hindi niya na napigilan ang humikbi. Diniinan niya ang sugat ni Simon sa labi, dahil sa inis.
"Aw," Lumayo at ngumuso si Simon habang hawak hawak ang labi.
Tinakpan ni Allie ng kamay ang muka n'ya at saka tahimik na humikbi. Narinig yun ni Simon kaya naalerto ito sa dalaga.
"Are you crying?" tanong nito.
"N-o!"
Tumango ang binata at bahagyang napangiti. "A'right I'm sorry, okay? Promise it never happen again. Stop crying, princess.." mabilis na umangat ang ulo ni Allie.
"I told you to call me, Ate.." nakalabi at humihikbing sabi ng dalaga. Simula ng maging highschool sila ni Simon ay hindi na siya nito tinatawag na Ate. Napansin niya rin na parang ito na ang panganay sa kanilang dalawa kung umakto.
"Psh you want me to call you ate, pero iyakin ka naman." He said while wiping her tears.
"Because you make me worried, that's why!" Sumimangot siya at saka ito tinalikuran. She's the oldest but sometimes she felt like she's the childish.
Simon pout his lips, halatang nagpapacute ito kay Allie. "Galit ka, ate?"
Inirapan ni Allie ang binata. How can she be mad, if his doing that? And beside he's call her ate. Simon really knows how to change her mood.
"I'm not mad, okay? Ayoko lang nakikipag away ka." Pahayag niya dito.
"I have a reason." Sabi nito bago ihilig ang ulo sa hita ng dalaga. Nakaupo kasi sila sa isang bench na nasa rooftop. Dito niya ito hinila kanina para makalayo.
Yumuko si Allie para tingnan si Simon. But Simon is already looking at her.
Simon was charming. He have messy curled hair, paled brown eyes, straight nose and red lips. At dahil doon ay maraming babae ang nagkakagusto rito, mapa lower or high level man. But she didn't know why Simon never entertain or court any girl. Nasisigurado niya rin naman na hindi ito gay dahil tuwing nililinis niya ang kwarto ng kapatid, nakakakita siya ng mga FHR Magazines and some dirty DVD's.
"At ano namang reason yan?" nakataas ang kilay na tanong niya rito.
He just smiled. Wala itong sinabi, nanatiling nakatingin lang ito sakanya.
Sumimangot naman ang muka ni Allie ng marealize na parang walang balak sabihin sakanya ang kapatid.
"Sy!" she called in a warning tone.
"Patulugin mo nalang ako, inaantok ako e." Simon said before closing his eyes.
She just sighed in defeat. Mukang ayaw talagang sabihin sakanya ng kapatid. Napangiti nalang siya ng makitang nakatulog na kaagad ito.
No comments:
Post a Comment