Thursday, 9 August 2018

Because I'm Stupid - Short Story (Completed)


Napasulyap ako sa kumpol ng mga kaklase kung lalaki. Nagtatawanan sila habang nakatingin saaken. Kumunot naman ang noo ko. Anong trip nila?
Napansin ko ang pasimpleng pagtulak  nila kay Jovan papunta sa direksyon ko. Kusang bumagsak ang bibig ko at pakiramdam ko ay bigla nalang uminit ang muka ko.
Tae sino ba namang hindi? Eh si Jovan lang naman ang ultimate crush ko simula ng freshmen hanggang ngayong 3rd year.


Tapos ngayon nakikita ko siyang naglalakad palapit saaken? Wew!  Naeexcite tuloy ako na ewan. 
Hindi ko na napigilan ang hindi mapangiti. Sana kung panaginip man ito ay ‘wag na muna sana akong magising.
Seryoso siya naglalakad habang palapit saaken.
Nang tumigil siya sa harapan ko ay hindi ko na napigilan ang sobrang kilig. Ngiting-ngiti ko siyang tinitingnan habang nagaabang kung ano iyong pakay o sasabihin niya
Sumulyap muna siya sa mga tropa niyang nang-aasar bago tumingin ulit saaken. Napalingon rin ang ako sa mga kaibigan ko na sobrang lapad ng mga ngiti, ay wait pwera lang pala kay Clara na nakasimangot. Alam niyo na number one hater kasi yan ni Jovan. Ayaw niya daw kasi dito dahil sobrang mayabang.
Well, medyo nga may pagkamayabang  ‘yan si crush ehehe, pero medyo lang naman xD
Isa pang dahilan ay ang pagiging makasarili nito. Opo may pagka selfish kasi siya, gusto niya siya lang ang hihintayin ko tuwing uwian, ang tamad rin mag-effort, pala utos at higit sa lahat ay walang puso.
Hindi ko nga alam kung bakit sakanya ako nainlove eh.
Minsan kahit nasasaktan ‘nya na ako sa mga salita niya ay wala parin siyang pake sa nararamdaman ko. Mahal ko siya kaya KINAKAYA KO PA KAHIT MASAKIT NA :'(
Basta pag kailangan niya ako sa project niya, pag wala siyang payong tuwing uumulan o kaya naman naiwan niya ang ID niya tapos hindi siya pinapapasok ng guard. Basta itxt or tawagan niya lang ako darating kaagad ako. Ganito kasi ako mag mahal, sige sige parin kahit sobra ng nasasaktan.
Tama nga siguro ‘yung nabasa ko post sa facebook na ‘People fall in love in mysterious ways’ and no one can explain it. Oh ha napapaenglish pa ako niyan xD
Pero totoo naman kasi, hindi kasi naten alam kung kanino ba tayo maiinlove, kung kanino ba titibok ng mabilis ang puso naten at kung kanino rin ba maabnormal ang sistema naten.
Magical ang mainlove pero parang sumpa naman kung ikaw lang ang mag-isang nag-mamahal, masyadong masakit at minsan nakakamamatay pa.
“Hoy! Gerna?!”  nabalik ako sa katinuan ng nasa harap ko na pala siya.  Punyemas ang dami kung drama sa buhay nandito na nga pala sa harapan ko si Jovan.
“Ano nanaman bang kailangan mo saaken, Ha?!” iritadong sabi ko.
Pero kahit na ang totoo ay halos mamatay matay na talaga ako sobrang kilig. Pakiramdam ko ay parang sasabog ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.
“I love you.” Bigla akong natigilan.
Napuno ng hiyawan at asaran ang buong classroom. Natulala naman ako habang nakanganga at pilit na pinoproseso ang sinabi niya. H-indi ba ako nanaginip?  
“A-nong sabi m-o?”
Pero imbis na sagutin ako at linawin ang sinabi niya bigla nalang siyang umalis at iniwan akong naguguluhan.
Nagulat ako ng may biglang umakap saaken.. “Ayiieee I love you daw sabi ni Crush… naku buo nanaman ang araw mo Gerna.” Tumatawang sabi ni Jamie.
Nang mahimasmasan ako. Agad kung kinalas ang pagkakayakap saaken ni Jamie atsaka tumakbo ako palapit sa tropa ni Jovan kung saan siya ngayon nakikipagtawanan.
Nagulat pa ako dahil parang wala lang yung pag confess niya saaken. Ano yun lokohan?
“Easy pang dota! Asan na?” bigla pa akong natigilan dahil sa narinig..Taena!! :'(
Namuo ang luha sa mata ko habang unti unting sumisikip ang dibdib ko, feeling ko ay may mabigat na nakapasan doon.
“Gago ka Jon bakit kasi si Gerna? Dapat si Maricar nalang pala, para nahiya at natorpe naman itong si Jova–oy G-erna nandyan ka pala!” kita kung nagulat saaken si Eduard at dahil doon nakompirma ko nga. Shit I'm just a f cking bet!
Mabilis pa sa segundong bumuhos ang mga luha ko. Shet aasa pa ba ako? Palagi naman siyang ganyan! Laruan lang ako sa paningin niya..
Hindi ko na napigilan ang sobrang galit na namuo sa loob ko. Malutong na sampal agad ang binungad ko sakanya. Gago ka putangina!
Nanahimik ang buong klase dahil sa ginawa ko. Rinig ko sa likuran ang mahihinang pagtawag ng mga kaibigan ko, pero hindi ko sila nagawang pag tuunan ng pansin.
Nanginginig ang katawan ko dahil sa sobrang galit, inis, panghinayang, pagsisi at pagkamuhi sakanya.
Mahal ko siya pero hindi ibig sabihin nun ay pwede niya na akong saktan ng ganito. Puta may limit din ako! Kung tutuusin mas masakit pa nga to sa sampal na nakuha niya eh!! Parang basura lang ang feelings ko na itinapon niya. Naloko na nga, ginamit pa!
Pinahid ko ang luhang naglalandas sa pisngi ko bago ko siya tiningnan muli… “Fuck you ka! Sana hindi nalang kita nagustuhan! Ang selfish selfish mo!! Wala kang kwenta!! ”
Mabilis akong tumakbo palabas ng room. Narinig ko pang tinawag ako ng mga kaibigan ko pero diretso lang ako sa pagtakbo. Nanlalabo na ang mata ko dahil sa mala gripong luhang lumalabas sa mata ko. Sobrang tanga ko dahil ganung lalaki pa ang minahal ko. Akala ko pa naman totoo na, akala ko kaya niya na akong mahalin, na may pag asa na kaming dalawa pero napaka lupit talaga ni Kupido. Pinana na nga lang ako, sa maling tao pa </3
Sa kakatakbo ko, napadpad ako sa likod ng school building. Umupo ako sa nag iisang bench at doon ko inilabas lahat ng luhang meron ako para sakanya.
“Hindi lang ikaw ang lalaking mamahalin ko. *sob  I know somewhere … he exist *sob..the guy who appreciate my love and my worth.. *sob All I need to do is wait for the right time..
..but for now I want to forget about you. To forget of how stupid I’ am by falling in love with you.”
**Be patient about Love, they comes in the right time. And when it comes all your time in waiting will be worth it =)
---------
Sinulat ko 'to dahil gusto kung magising ang baby ko (which is one of my best of friends) na marami pang boys siyang pwedeng mahalin.. iyong worth it at hindi jerk T.T SORRY BABY!! 
©seimeppi
All Rights Reserved.

No comments:

Post a Comment