Wednesday, 8 August 2018

Can I Be - Chapter 5


7:19.A.M—
"Good Morning mom," bati ni Allie sa kanyang mommy na nag hahanda nang breakfast.
Maaga siyang nagising dahil sanay siya ang nag hahanda ng breakfast para sakanila ni Simon. Meron naman silang maid pero mas gusto niyang siya ang nag luluto para sa kapatid. Pero kapag nandito naman ang mommy niya maaga rin siyang gumigising para tumulong.

"Morning princess," bati pabalik ng kanyang mommy.
"Can I help?"
Umiling ito. "It almost done, just wake your brother. Mag aalmusal na tayo." Utos ng mommy niya.
Everytime her parents come home, palagi silang sabay sabay kumain. Lalo na ngayong aalis ulit ang magulang niya next day kaya sinusulit nila ang oras ng isa't isa.
Umakyat siya sa taas para gisingin si Simon. Nang nasa harap na siya ng pintuan. Napabuntong hininga siya bago kumatok. Ilang araw niya rin iniwasan ang kapatid dahil sa weidong nangyari sakanya noong nakaraaang araw. Kaya ngayon medyo kinakabahan siya kung paano pakikitunguhan ito.
"Sy breakfast is ready! Bumangon kana diyan!" Sigaw niya. Hindi niya alam kung gising na ba ito at naririnig siya. Pero nang walang sumagot ay naisipan niyang pihitin ang door knob at nagbakasakaling bukas ito.
Kumunot ang noo niya ng pumihit ito at umawang pabukas. Tulog pa kaya siya? Hindi alam ni Allie kung papasok ba siya o hindi. Pero ilang segundo ng marealize niyang okay lang naman kung papasok siya sa kwarto ng kapatid. Beside ilang beses na din siyang nakapasok at nakitulog sa kwarto nito, lalo na noong mga bata pa sila. So, what's the big deal now right?
Tinulak niya pabukas ang pinto at walang pag alinlangang pumasok sa loob. Pagpasok, nakuha agad ang atensyon niya sa kapatid na mahimbing na natutulog.
Lumapit siya dito at umupo sa gilid ng kama. Napangiti siya at pinag masdan itong matulog. Simon look matured even he just second year highschool lalo na sa uri ng pag-iisip nito sa mga bagay bagay. Hindi rin ito mukang patpatin katulad ng isang highschool boy. May muscle naman ito kahit papaano, matangkad at mukang inosente dahil sa maamo nitong muka.
Pero ang gustong gusto niya talaga sa kapatid ay pagiging sweet nito. Naalala niya pa iyong bata pa sila. He always treat her like a princess habang ngingiti naman siya pag tinawag na siya nitong Ate Allie. Oh how she wish that nothing would change.
Dumapo sa muka ni Simon ang atensyon niya. Inabot niya ito dahil humaharang ang hibla ng iilang mahabang kulot na buhok sa muka ng kapatid.
Pero nanigas siya ng mag mulat ito nang mata. She froze the moment she run into Simon's hazel eyes. Namumungay ang mga ito at punong puno ng kung hindi siya nagkakamali ay—pagnanasa. Dahil doon ay unti unti niyang nabawi ang sarili.
"Y-your a-awake!" She stummer. Lalayo na sana siya ng biglang mahawakan ni Simon ang palapulsuhan niya at hilahin siya pahiga. Niyakap siya nito ng mahigpit.
Parang kabayo naman sumipa ang puso niya. What the hell? Ilang beses na sila nagkakatabi ni Simon pero bakit ganito? She felt something trembling inside her tummy.
"I miss you.." halos tumayo lahat ng balahibo niya dahil sa paos na boses ng kapatid. Where did he learn to sound like that? Mga bagay na tumatakbo sa isipan niya. But she shrugged it away.
Ang gusto niya lang ay lumayo sa kapatid. Mali ito. Mali ang iniisip niya tungkol sa mga ginagawa at pinapakita ni Simon.
"A-anong ginagawa mo? L-let go of me. N-naghihintay na si m-mommy sa baba!" Pilit na sabi niya habang pinapakalma ang sarili.
Ano bang nangyayari sa kapatid niya? Iyan ang tanong na gusto niyang malaman. Pero mas gusto niya malaman ang sagot sa sariling tanong. Bakit ba sobra siyang naapektuhan?
"I love you Allie..."
Ano ba kasing sinasabi nito? At bakit parang hindi ang kapatid niya ang naririnig niya ngayon. Parang tambol na paulit ulit na pinapalo ang puso niya. Hindi niya alam kung saan nang galing ang sinasabi ni Simon.
"W-hat are y-ou saying? Please I s-aid let go of me." Mabilis na parang kidlat na gumuhit ang sakit sa mata ni Simon.
Nakita iyon ni Allie, para tuloy gusto niyang bawiin ang sinabi. She can't bear to see her brother hurting. Ano ba kasing nangyayari sakanya? His acting weird.
"S-stay still, kahit sa panaginip lang muna kita mayayakap ng ganito...i-its fine with me.." Napakagat sa ibabang labi si Allie. Dama niya ang sakit na nararamdaman ng kapatid. Akala niya ba panaginip lang ito? Na hindi totoo ang lahat?
Then its fine to hug him back? Ayaw niyang nasasaktan ang kapatid kaya sa pagkakataon na ito gusto niyang pagbigyan si Simon.
Hindi na siya pumiglas, katulad ng sinabi nito pumirmi lang siya. At pinakinggan ang malakas na tibok ng puso ni Simon.
---
Lumipas ang araw na iyon, bumalik ang pakikitungo niya kay Simon. Pinili niya na kalimutan nalang ang mga sinabi ng kapatid. She act like its never happen and she knows nothing.
Habang si Simon naman ay walang idea sa nangyari ng umagang iyon. Umalis kaagad kasi siya ng mapansin malalim na ulit ang tulog nito. Ang magulang naman nila ay umalis narin para asikasuhin ang naiwan nitong trabaho.
"Hey manonood ka ng game namin bukas ha? Pagwala ka doon hindi talaga kita papansinin." Natawa si Allie dahil sa pagpapacute ng kapatid. His acting like a child now. Nakanguso pero nakakunot naman ang noo.
"Anong oras ba?" Tanong niya habang binalik ang atensyon sa notes niya.
Nasa sala silang dalawa ni Simon, nag rereview siya para sa long quiz nila bukas. Habang ang kapatid naman ay kanina pa siya ginugulo.
"10:30 ang start, makakapunta ka diba? Vacant kayo nun eh...punta ka ha? Matatalo talaga ang team pag wala ka doon." Tumaas naman ang ang kilay niya bago ito hinarap.
9 to 10 naman iyong quiz nila kaya sigurado siyang makakapunta.
"Bakit naman matatalo? Kasali ba ako sainyo?"
"Hindi. But you know I'm the best player! Pag wala ka doon syempre hindi ako gaganahan. Edi walang goal.." Imbes na bigyan kahulugan iyon. Natawa nalang si Allie dahil sa umi-ere'ng kapatid.
"Sus the best player? Eh mas magaling nga si Gio sayo eh! His the captain.." Tatawa na sana ulit siya ng makitang sumeryoso bigla ang muka ng kapatid. Napamura siya sa isip dahil mukang mali ata ang nasabi niya.
"Captain lang siya kasi tumanggi ako, dahil ayoko mawalan ng oras sayo. Isipin mo? Sino sasabay sayo sa cafeteria tuwing kakain ka? Tyaka gusto ko nababantayan kita, lalo na't madami ang mga gagong gustong lumapit sayo."
"O-ou na mas magaling kana! Kaya pwede manahimik kana? Kita mong nagrereview ako eh. Pang gulo ka.." Sabi niya para tumigil na ito.
Simon just chuckled. "Fine my prncess...ang sungit." He said before leaving her alone. Pilit niya naman pinakalma ang sarili kahit ang puso niyang hindi na magawang kumalma.

No comments:

Post a Comment