Thursday, 9 August 2018

Can I Be - Chapter 6


Natapos ang quiz ni Allie, napagdesisyunan niyang pumunta muna sa library dahil 30 minutes pa naman bago mag simula ang laro nila Simon. Pumwesto siya sa taas at dulo ng library dahil mas tahimik roon. Umupo siya lapag at binuksan ang bago niyang bili na libro.

Mag-uumpisa palang sana siya sa pagbabasa ng may marinig siyang nag-uusap. Pasimple siyang gumapang at sumilip sa kabilang hallway. Hindi siya tsismosa pero parang pamilyar kasi sakanya ang boses ng lalaki.
"Come on, Sidney you can't do this to me. Huwag ngayong araw ng laro ko. You can't be serious, right?" She's right kilala niya nga. It's Gio.
Mas lalo tuloy gumapang ang kuryusodad niya dahil si Gio ang nagsasalita at may kausap itong babae. Siya kaya yung sinabi ni Sy na girlfriend ni Gio? Ano kayang pinag-uusapan nila? Diba may laro pa ang Achilles—mga katanungang tumatakbo sa isip niya.
Nakatalikod sakanya ang babae kaya hindi niya makita ang muka nito. Pero sa tingin niya ay maganda ito dahil sa mahaba at kulot nitong buhok, balikinitan at morena ang kulay ng balat.
Nakaramdam siya ng inggit dahil maswerte ito at siya ang naging girlfriend ni Gio. Pero ano kayang pinag-uusapan nila—tanong sa isip ni Allie.
"I'm so sorry Gio but were over. Alam mong mahal ko talaga siya. Alam kung napakasama ko pero sorry hindi ko talagang kayang kalimutan siya." Umawang ang bibig niya dahil sa narinig. What the—it's so obvious she just using him.
"I told you, you can use me anytime...hanggang sa mapasayo siya. But please Sydney don't do this, wag muna ngayon." Parang tinutusok ang puso niya dahil sa naririnig na mga salita kay Gio. Puno ito ng pagsusumamo at takot.
She never see this side of Gio. Dahil sa isip niya, isang Gio ang palaging nakangiti.
Nakaramdam siya ng inis sa babae, dapat pa nga siyang mag pasalamat dahil mahal siya ni Gio. She's lucky to have him.
"I'm sorry Gio pero nakapagdesisyon na akong kumbinsihin siyang magustuhan ako. I will do everything to make him love me back. So please let me go." Sabi ni Sydney.
Gio sighed and give her a sincere smile.
"Are you sure? Magiging masaya kaba?" Pilit nitong tanong.
Tumango naman ang dalaga. "Yes I will."
"Ganoon ba? Sige goodluck...pero sana isipin mo na lagi lang akong nasa likod mo. Handang sumalo sayo kung hindi ka man niya kayang saluhin." God his too much for her. Sydney don't deserve him.
"Thank you. I gotta go." Ganoon lang at iniwan na nito si Gio. Kita niya kung paano nasaktan at bumagsak ang lalaking gusto niya. She broke his heart just like that.
Napaupo ito at napahilamos sa muka. "Stupid! Stupid you shouldn't let her go." Narinig niya sabi nito.
Napahinga ng malalim si Allie bago tumayo at maglakad palapit kay Gio.
"Its the right thing to do, you can't force a person to love you but you can try...and I must said that you did your best." Umangat ang ulo nito at tumingala sakanya.
"Allie? Why—D-did you hear it all?"
Tumango siya. "Sorry."
"It's okay and maybe your right I did my best...mahal na mahal ko siya pero kung iyon ang gusto niya I can suffer just to make her happy." Medyo nasaktan siya sa sinabi ng binata. She like him and he just confessed how he love other girl. Paano kaya nagawang itapon ng babaeng yun ang katulad ni Gio?
Napabuntong hininga si Allie at inisip kung ano bang maitutulong niya? After all crush niya parin ito.
"Can I comfort you?" Tanong niya.
Tumango naman si Gio.
"How?" She asked.
Ngumiti ang binata pero hindi ganun katingkad katulad ng dating ngiti nito.
"Cheer for me." He said.
Magkasabay na pumunta ng soccer field si Allie at Gio. Karamihan ng studyanteng dumalo para manood ay lumilingon sakanila. Nakakunot ang mga noo nito habang ang iba naman ang masamang tingin ang binabato sakanya. Nakita niya rin si Sydney na nakatingin sakanila.
Lumibot ang tingin niya para hanapin si Simon. Kumunot ang noo niya ng makita itong seryoso ang muka at parang wala sa mood. Mabilis itong lumapit sakanila kaya kumaway at ngumiti siya.
"Late ka captain." Malamig na sabi nito kay Gio. Napawi naman ang ngiti ni Allie dahil dinaanan lang siya ni Simon.
Aba't loko to ah—inis na sabi niya sa sarili.
"Ah may ginawa lang." Sabi ni Gio.
Nakita niya naman umigting ang panga ng kapatid at mas lalong nagalit ang itsura nito. Nagtaka naman siya kung ano naman ang problema ng kapatid niya. Kaninang umaga lang ay masaya pa ito at sinabing icheer siya. And Allie just change her mind. She's pissed at Simon's behaviour.
"Upo na ako Gio," sabi niya sa binata. Tumango naman si Gio at nginitian siya. And of course she smiled back.
Nakahanap ng uupuan si Allie. Masama ang mga tingin sakanya pero nasanay na siya kaya hindi niya nalang ito binigyan pansin.
"What a slut. Hindi na nakontento kay Simon pati ba naman si Gio. Such a hooker." Lumingon siya sa nagsabi nun and this girl is the same stupid girl. As she can remember her name was Mica. Pinili niyang wag nalang patulan iyon dahil ayaw niyang bumaba ang level niya katulad nito.
Nag-simula ang laro at medyo maganda naman ang takbo nito. Umpisa palang ay lamang agad ang Achilles.
The audience gone crazy when the captain get the ball. Sinipa sipa niya ito papunta sa goal, maraming humaharang at nagtatangkang sipain at kuhanin ang bola pero naiiwasan ito ni Gio. Pati tuloy siya ay kinakabahan at naiiexcite. Napatayo pa siya ng sobrang lakas nitong sinipa ang bola dahilan kung bakit nagwala ang audience dahil pasok iyon.
Dahil sa sobrang saya, hindi niya napigilan ang sarili. "GO GIO!" Malakas na sigaw niya. Ipakita mo kay Sidney na magiging okay kalang kahit wala siya, because from now on I am here to help you—sa isip ni Allie.
Ngumiti si Gio at kumaway sakanya. Binawian niya naman iyon ng masayang ngiti bago kumaway.
Buong laro ay wala siyang ginawa kundi ang icheer si Gio. Lalo na nang nahirapan na itong makagoal dahil kay Simon.
Hindi niya alam kung anong problema ng kapatid pero kanina niya pa nahahalata na kahit open at malaki ang chance ni Gio na maigoal ang bola hindi ni Simon ipinapasa ang bola rito.
Sumimangot ang muka niya dahil iyong goal kanina ni Gio ay mga dalawang beses lang nasundan bago natapos ang laro. Hindi ba siya magaling mag cheer kaya madalang itong makascore? O bothered siya sa bawat pag cheer ni Sydney kay Simon?Yes. Halos mangibabaw ang boses nito habang ichinicheer ang kapatid niya.
Ngumiti siya ng lumapit si Gio sakanya habang nag pupunas ng pawis. Inabot niya ang water bottle rito na binili niya pagkatapos ng game. Panalo kasi ang Achilles at dahil yun kay Simon. Mamaya niya nalang icocongratulate ang kapatid.
"Thanks for the cheer and for this.." Ngumiti ito bago uminom sa bote.
"Welcome, pero tingin ko hindi naman ako ganun kagaling magcheer."
Umiling ito. "You are, I'm just little preoccupied and distracted kaya sorry kung feeling mo hindi ka magaling dahil minsan lang ako makagoal."
Tama nga ang hula niya distracted ito. At alam niya na kung kanino.
"Oh my gosh what the? Bakit niya hinalikan ang Simon ko? That's bitch!" Mabilis na naagaw ang atensyon ni Allie sa sigaw na 'yun. Hinanap agad ng mata niya ang sinabi ng hindi niya kilala. Sa baba ng bleachers nakita niya si Sydney at Simon, kissing. Nanlaki ang mata niya sa gulat at kasabay din noon ang hindi niya mapaliwanag na kirot sa puso niya.
"Are you okay?" Tanong ni Gio, na siyang nagbalik sakanyang tamang sarili.
"I-I'm okay." Sabi niya. Kumunot naman ang noo nito dahil sa garalgal niyang sagot.
"Sure? Ano ba yung tiningnan mo?" Akmang lilingon ito kung nasaan si Sydney at Simon ng pigilan niya ito. She can't let Gio hurt again. Tama na iyong kanina.
"Hey!" lumingon ulit sakanya si Gio.
Ngumiti siya pero nauwi ito sa pilit. Hindi niya maintindihan ang sarili, masaya siya dahil nasa harap niya si Gio pero bakit ganoon nalang ang naramdaman niyang sakit ng makita si Simon at Sydney.
"L-Let's get out of here.."

No comments:

Post a Comment