Tuesday, 7 August 2018

Can I Be - Simula

Simula


Nag umpisa ang lahat ng umuwi ang magulang ni Allie, may dala itong anim na taon gulang na batang lalaki. She remembers how her eyes sparkle that day.
"Mommy!" sigaw ng batang babae habang excited na tumatakbo palapit sa magulang.
"Stop running Princess baka madapa ka!" saway ng kanyang daddy.
Allie didn't listen. Matagal nawala ang kanyang magulang kaya sobrang excited siya dahil namiss niya ang mga ito. Sinalubong siya ng daddy niya at saka  siya niyakap. Nakangiti niya namang hinalikan ang pisngi nito.
"I miss you, daddy."
"Oh I miss you too, Princess."
"I'm jealous, ako ba hindi mo namiss?" sabat naman ng mommy niya.
Ngumiti siya at niyakap ito. "Syempre na miss."
"Namiss din kita Princess," she giggled when her mom kiss her cheeks.
"By the way princess. We would like you to meet Simon. Simon, she's your ate Allie.."
Nag ningning ang mata niya ng makita ang cute na batang lalaki, kulot ang buhok nito at ang inosente ng muka. She smiled at him and the little boy did the same thing. Hindi niya napigilan ang sarili na tumakbo at yakapin ito. Nagulat naman ang batang lalaki at namula sa ginawa niya.
"From now on you'll be his sister." Sobrang saya ang naramdaman ni Allie ng sabihin ito ng mommy niya. She's an only child, kaya naman lubos ang tuwa niya ng malamang magiging kapatid niya si Simon. Sa sobrang tuwa ay nakurot niya ang cute na pisngi nito, dahilan para manubig ang mata ng batang lalaki. Akala niya iiyak ito, kaya napakurap siya ng humawak ito sa batok at saka siya nginitian.
"Y-ou're a brutal, ate."
That's the day, Allie realize that she want to be his big sister, she wants to take care of Simon and love him like his true brother.
Mag babago kaya ang pag mamahal niya dito? Kung sa tinagal ng panahon nilang magkasama ay malalaman niya palang minamahal siya ni Simon higit pa sa kapatid.

No comments:

Post a Comment